IKAW PALA Lyrics

I
Kay tagal na rin naghahanap
Pagmamahal na sadyang wagas
Isang paglingap na magbibigay
Sa aking buhay ng tibay at lakas

II
Sa dinami ng daang tinahak
Tanging sayo pala ang kasagutan
Panginoong mahal, ikaw pala ang my hawak
Susi sa ligaya, magpakailan man

KOROS:
Ikaw pala ang nagbibigay
Liwanag at pag-asa
Tila isang ngiti
Nasa aki'y nagniningning
Ikaw pala ang kailangan
Tugon sa aking dasal
Gabay at pagmamahal na walang hanggan

III
Kay gaan ng puso at damdamin
Ngayon ika'y nasa aking buhay
Anong pagsubok man, ika'y nakaalalay
Kaibigan kang hindi malilimutan

Repeat KOROS

TULAY
Gaano man kadalas kitang talikuran at saktan
Pagpapatawad ay agad lagi mong laan
Kailan pa man
Ikaw pa rin
Handa akong tanggapin....
Tanggapin...


Repeat KOROS 2x


CODA
Gabay at pagmamahal (2x)
Na walang hanggan