BUHAY na may PAG-ASA Lyrics


Gumuha na ang bawat sandali ng iyong buhay
Mga panahon nalalabi sayo'y wala ng saysay
Pagkat di mo malimot limot ang iyong nakaraan
Bumabalik balik sa isip mo ang iyong kabiguan

Hahayaan mo na lamang bang gapusin ka ng kahapon
At di nagagawan ng paraan upang makaahon
Pagkat sayo ang bukas ay wala ng pag-asa
At ang nalalabing istorya sa buhay mo'y wakas na

Chorus
Bakit di mo pagbigyan ang may kapal
Na baguhin ang ikot ng iyong buhay
Kung sa gabing nag iisa siya ang iyong makakasama
At ang buhay mong nanlulumo ay bibigyan niya ng pag asa

Sasayangin mo na lamang ang pagkakataon
Upang ang buhay mong basag ay magkaroon ng layon
Ngunit ang lakbayin sa mundo mo'y wala ng halaga
Ang tapusin na ang buhay mo sayo'y mas mainam pa

Repeat Chorus

Bridge
Ang Diyos ay laging naghihintay sayong pagtawag sa kanya
Upang ang buhay mo, Buhay mong nakakulong
Ay mabigyan niya ng laya

Repeat Chorus 2x