Alam mo ba? Lyrics

Dati ako ay alipin
Nang malungkot na damdamin
Ang buhay  para sa aki'y madilim

Bukas ay di ko makita
Wari'y wala nang pag-asa
Sa daigdig ako ay nag iisa

Nang buksan ko aking isip
Narinig ko'y isang tinig
Nagbigay pag-asa sa aking kaluluwa

Sa'kin pala'y umibig
Pag-ibig na hanggang langit
At siya'y nasa ating paligid

KORO:
Alam mo ba na ikaw
Ay mahal ni Hesus
Nais ka niyang makapiling
Magtaas ka ng iyong paningin
Kamay niya ay iyong abutin

Alam mo ba na ikaw
Ay kangyang tinubos
Mula sa iyong kasalanan
Nais niya sa iyo'y ibigay
Walang hanggang kaligayahan

-Repeat-